Bel Air, Makati
June 05, 2025

Barangay Conciliation

Kung ikaw at ang taong nais sampahan ng kaso ay pareho ng barangay o magkapitbahay, alinsunod sa Katarungang Pambarangay Law (Presidential Decree No. 1508, now governed by Chapter 7, Title One, Book III of the Local Government Code of 1991), kailangan munang idulog sa barangay ang reklamo bago ito dalhin sa korte o piskalya.

Mga Exception (Hindi na dadaan sa Barangay kung):

  • Isa sa inyo ay hindi nakatira sa parehong barangay
  • Government employee ang kinasuhan at ang reklamo ay may kinalaman sa kanyang tungkulin
  • Ang kaso ay may agarang banta sa buhay o kaligtasan
  • Ang halagang sangkot ay higit sa limitasyon na itinakda ng batas para sa barangay jurisdiction

Ilang Beses Maghaharap sa Barangay?

Karaniwan, ang barangay ay magsasagawa ng maximum of 3 hearings:


First Hearing: Initial Confrontation and Mediation

  • Pagkatapos maisampa ang reklamo, ipapatawag ang magkabilang panig para sa mediation sa harap ng Barangay Chairman.
  • Layunin: Mapanumbalik ang ayos at pagkakaayos ng panig.
  • Kung hindi magkaayos, itatala bilang “No Settlement” at ipo-forward sa Lupon Tagapamayapa.

Second Hearing: Pangalawang Paghaharap (Conciliation Proper)

  • Ang kaso ay ililipat sa Lupon Tagapamayapa (Pangkat ng Tagapagsundo).
  • May panibagong notice of hearing.
  • Layunin: Mas pormal na pagkakasundo sa pamamagitan ng conciliation.
  • Kung muling walang pagkakaayos, maaaring magtakda ng isa pang hearing.

Third Hearing (if necessary): Final Attempt

  • Panghuling pagtatangka ng pagkakasundo.
  • Kung walang kasunduang mabubuo, ibibigay na ang Certificate to File Action, na siyang magpapatunay na walang naabot na kasunduan at pwede nang dalhin sa korte o piskalya.

Ano ang Certificate to File Action?

Ito ay isang dokumentong inilalabas ng barangay na nagpapatunay na ang reklamo ay dumaan sa tamang proseso ng Katarungang Pambarangay ngunit hindi nagkaayos ang mga panig. Ito ay requirement sa pagsasampa ng criminal o civil case sa piskalya o korte.


Mahalagang Paalala:

  • Ang bawat hearing ay kailangang respetuhin at puntahan ng parehong panig. Kung ang isa ay hindi dadalo nang walang sapat na dahilan, maaari itong maging batayan ng waiver o dismissal ng reklamo.
  • Ang buong proseso ng barangay conciliation ay karaniwang tumatagal lamang ng 15 days, extendable ng another 15 days kung parehong pumayag ang mga partido.